Salamat sa pagmamahal INA

Sa pagluwas pa lang sa iyong sinapupunan
Alaga mo'y iyong ipinaramdam
Pagmamahal na binibigay mo sa akin araw-araw
Mga pagkukulang mo'y iyong pinupunuan.
Pasaway man na anak
Subalit di mo pinapabayaan
Mga mali kong nagawa iyong tinatama.

Mga problema na aking naranasan
Ika'y laging nandyan para ako'y tulungan
Mga desisyon ko sa buhay
Ika'y laging nandyan para ako'y gabayan.
Mga pangaral mo sa akin ay sinasabuhay
Ngayong ako'y kolehiyo na
Mga pangarap mo sa akin ay matutupad na
Ito'y dahil sa iyong patuloy na pagsuporta

Mga tulong na iyong binibigay
Mga suporta na iyong ginagawa
Mga pagmamahal na iyong pinapadama
Salamat INA sa lahat ng iyong mga ginawa
Itong pagsisikap ko ay para sa inyo INA
Pasasalamat sa pag-aaruga at
pagbibigay sakin ng buhay na kay ganda.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pagmamahal

"Pain"